
Sa araling ito, ating alamin kung ano ang pang–angkop, uri at gamit nito sa pangungusap.
Tulad ng pangngalan, pang-uri, pandiwa, panghalip, pangatnig, pang-abay at pang-ukol, ang pang-angkop ay isang ring bahagi ng pananalita.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang Pang-angkop
Ang Pang-angkop ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa panuring katulad ng pang-uri at ng pang-abay. Ito rin ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito.
Pang-angkop in English
Sa wikang Ingles (pang-angkop in English), ang pang-angkop ay tinatawag na ligatures.
Mga Uri ng Pang-angkop at Halimbawa
Narito ang mga uri ng pang-angkop at Halimbawa sa pangungusap:
Na
Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa ng Pang-angkop na “Na” sa Pangungusap
- Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
- Ang banal na kasulatan
- Ang malinis na baso.
- Ang matalim na kutsilyo.
- Ang mainit na kape.
- Ang maitim na budhi.
- Ang sikat na mananahi.
- Ang makinis na balat.
- Ang mahusay na manlalaro.
- Ang matigas na ulo.
- Ang malalim na balon.
- Ang malinaw na tubig.
- Ang masarap na tinapay.
- Ang mabait na bata.
Ng
Dinudugtungan nito ang mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o, u).
- Ang masaganang pagkain.
- Ang malaking mata.
- Ang basang sisiw.
- Ang kotseng itim.
- Ang magandang bata.
- Ang maduming sapatos.
- Ang maikling kwento.
- Ang marunong na ina.
- Ang magaling umawit.
- Ang mabahong amoy.
- Ang mabangong bulaklak.
- Ang dalawang anak.
- Ang berding manok.
- Ang buong angkan ng pamilya ni Juan.
- Ang sariling damit ni Ana.
- Ang salaring butiki.
- Ang basang sisiw na manok.
G
Ito naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa katinig na n na dinudugtungan ng g.
- Kasuotang madumi.
- Luntiang bulaklak.
- Usapang di kaaya-aya.
- Ang pagkaing masarap.
- Ang tanghaliang mabango.
- Ang panahong maulan.
- Ang dayuhang mabait.
- Ang bayang minamahal.
- Ang administrasyong magaling.
- Ang pamahalaang maunlad.
- Ang labang tinitiis.
- Ang bakurang malinis.
- Ang halamanang magandang tingnan.
- Ang kaning masarap.
- Ang ngiping kulay dilaw.
- Ang tungkuling kailangang gampanan.
- Ang edukasyong mahalaga.
Basahin ang iba pang aralin: Pang-ukol, Pang-angkop, Sanaysay, Maikling Kwento, Tagalog Pick Up Lines, Pangatnig, Bahagi ng Pananalita, Replektibong Sanaysay, Wika