Samahan niyo ako sa araw na ito at tatalakayin natin kung ano ang maikling kwento. Bago natin simulan ang lahat alam niyo ba na halos lahat ng bata sa buong mundo ay nakarinig na ng iba’t- ibang uri ng maikling kwento?
Ang mga maikling kwentong ito ay narining nila sa kanilang mga lola’t lolo, ate at kuya o sa kanilang mga ama’t ina. Ikaw naranasan mo rin ba na makarinig ng iba’t ibang uri ng maikling kwento noong ika’y bata pa?
Ating tunghayan ang ibang maiikling kwento na hindi mo pa narinig.
Bago natin alamin ang sari-saring maikling kwento, alamin muna ang kahulugan nito.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang Maikling Kwento
Ang Maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang diwa sa isip ng mga mambabasa.
Ito ay kinapupulutan ng magandang aral at ginagamit bilang kwentong pambata.
Elemento ng Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay binubuo ng ibat-ibang elemento. Ito ay ang mga sumusunod.
Panimula
Ito ay ang elemento na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kwento. Mahalagang maging kapansin-pansin ito upang mabihag ang kawilihan ng bumabasa.
Dito nakikila ang mga pangunahing tauhan sa kwento
Saglit na kasiglahan
Ito ay elemento ng maikling kwento na naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Dapat maging kaakit-akit ang bahaging ito sa bumabasa at madama niya ang magaganap na pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na damdamin.
Suliraning inihahanap ng lunas
Ito ay karaniwang tatlo. Kung minsan ay humihigit sa tatlo, depende sa sumusulat ng kwento. Sa bahaging ito ng kwento, ang mambabasa ay napapagitna sa mga pangyayaring gigising sa kanyang damdamin.
Ang mga pangyayaring ito ang siyang bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng lunas at lumikha ng isang kawilihang pasidhi ng pasidhi.
Tunggalian
Ito ay may apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Kasukdulan
Ito ay ang bahagi ng kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan.
Kakalasan
Ito ay ang panghuling bahagi ng kwento na kaagad sumusunod sa kasukdulan. Ito ay dapat pahabain at bigyan ng paliwanag. Ipaubaya sa mambabasa ang pag-iisip at hayaang siya ang magbigay ng wakas sa kwento.
Wakas
Ito ang katapusan o ang kahihinatnan ng kuwento.
Tagpuan
Dito nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente at ang panahon kung kailan naganap ang maikling kuwento.
Paksang Diwa
Ito ang pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
Kaisipan
Ito ang mensahe nais ipahiwatig ng maikling kwento.
Banghay
Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Bahagi ng Maikling Kwento
Ang mailing kwento ay may tatlong bahagi. Ito ang simula, gitna at wakas.
Simula
Dito mababasa ang problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Sa bahaging ito ng maikling ay ipinapakilala ang ilang mga tauhan at tagpuan.
Gitna
Ang gitna bahagi ng maikling kwnto ay kinabibilangan ng maikling kasiglahan, tunggalian, at isang dramatikong punto ng kahigitan. Ang kasiglahan ay nagpapaliwanag sa pansamantalang pagpapakilala sa mga indibidwal na kasangkot sa isyu.
Ang tunggalian ay nagpapakita sa mga hamon o karanasan ng pangunahing tauhan sa pagtatagumpay sa mga hadlang, na maaaring maglaman ng panloob na laban, pagkakabanggaan sa pagitan ng tao, o oposisyon mula sa kalikasan.
Ang klaymaks o kasukdulan ay ang pinakamadulang sandali kung saan pinapakita ang resulta ng mga pagsisikap ng pangunahing tauhan, kung tagumpay man o hindi.
Wakas
Ito ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ay nagpapakita ng pagbagal ng takbo ng kwento mula sa kasukdulan, habang ang katapusan ay ang konklusyon na may masaya o malungkot na kinalabasan.
Minsan, hinahayaan ng may-akda na bukas ang wakas para sa mambabasa na magpasya sa kapalaran ng kuwento.
Sampung Uri Ng Maikling Kwento
1. Kwento ng Tauhan
Ito ang mga kwentong naglalarawan sa mga pangyayaring pangkaugnayan lalo na sa mga tauhang nagsiganap para mabigyang kabuuan ang pagka intindi ng mga mambabasa.
2. Kwento ng Katutubong Kulay
Ito ang mga kwentong binibigyan diin ang mga pananamit at pamumuhay ng mga tauhan.
3. Kwentong Bayan
Ito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Kwento ng Kababalaghan
Ito ang mga kwentong pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapani-paniwala.
5. Kwento ng Katatakutan
Ito ang mga kwentong naglalalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kwento ng Madulang Pangyayari
Mga kwentong may kapana-panabik at mahahalagang pangyayari na nakapagbago sa tauhan.
7. Kwento ng Sikolohiko
Ito ang mga kwento na bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran
Ito ay kwento ng pakikipagsapalaran.
9. Kwento ng Katatawanan
Ito ay kwento na nagbibigay-aliw sa at nagpapasaya sa mambabasa.
10. Kwento ng Pag-ibig
Ito ay kwento tungkol sa pag-ibig ng dalawang tao.
Halimbawa ng Maikling Kwento
Ang kwentong ito ay kathang isip lamang ng may akda. Para ito sa mga bata at maaari ding sa mga matatanda na kapupulutan ng aral. Ang layunin ng kwentong ito ay bigyang-aral ang mga mambabasa na maging makontento sa kung ano ang mayroon ang isang tao.
“ Si Wilo na Hindi Nakontento”
Noong panahon, sa isang nayon, may nakatirang mag-ina na sina Aling Marting at ang kayang anak na si Wilo. Nakatira sila sa isang bahay kubo na malapit sa may sapa. Si Wilo ang nag-iisang anak ni Aling Marting sa kanyang yumaong asawa. Bata pa si Wilo ng namatay ang kanyang ama, kung kaya mag-isang pinalaki si Wilo ng kanyang ina sa pamamagitan ng paggawa ng mga basahan na ibinibenta nila sa malapit na bayan.
Naikompara ni Wilo ang kanilang buhay sa buhay ng ibang bata na nakikita nya sa bayan. Mga batang makakabili ng mga bagay na gusto nila. Mga batang may magagandang damit na suot. Mga batang nakapag-aral sa magagandang paaralan. Mahirap lamang ang mag-ina kung kayat malayong-malayo ang kanilang buhay sa mga tao sa bayan.
Si Wilo ay palaging pinagsasabihan ng kanyang ina na maging makontento sa kung anong meron sila. Ngunit, imbis na intindihin ni Wilo ang kanyang ina palagi syang nagrereklamo nito. Gayunpaman sa pagiging reklamador ni Wilo ay mahal na mahal nya ang kanyang ina. Ito laman ang nag-iisang tao na karamay nya sa buhay.
Isang araw, habang naglalakad sila pauwi galing bayan.
“ Inay, hanggang kailan maging ganito ang buhay natin?” tanong ni Wilos sa kanyang ina.
“ Anak, gaya ng sabi ko sayo, maging makontento tayo sa kong anong meyron tayo. Ito lang talaga ang makakayanan ni inay. Hindi naman tayo nagugutom. Makakakain pa naman tayo ng tatlong beses sa isang araw” sagot ni Aling Marting sa anak.
” Basta magkasama tayo, kontento na ako nu’n” patuloy nya.
“ Ngunit inay, ayoko na ng ganitong buhay. Nakakakain nga tayo ng tatlong beses pero, paulit-ulit lang naman ang ulam natin. Gusto kong matikman ang mga pagkain na nasa restaurant, ang mga pagkaing masasarap. Hindi yong atin na palagi na lang gulay” reklamo ni Wilo.
“Pasesnya ka na anak. Ito lang talaga ang makakaya ko” lungkot na sagot ng ina.
“ Ah! Basta ako , hindi ako nakokontento sa buhay na meron tayo” mabilis na naglakad si Wilo, iniwan nya ang kanyang ina.
Sumapit ang gabi. Pagkatapos kumain ng mag-ina ay natulog na ang mga ito. Ngunit si Wilo ay hindim makatulog. Palagi syang nag-iisip na kung meron lang syang makitang pwedeng hilingin ang kung ano man ay hihilingin nya talagang hindi na sila maghihirap pa.
Kinabukasan, inutusan si Wilo ng kanyang ina na pumunta sa may sapa upang mag-igib ng tubig.
Habang sya ay naglalakad papunta sa may sapa, may nakita syang isang puting kuneho na may sugat sa may paa nito.
“Aha! Masarap ang magiging ulam namin ngayon. Isang puting kuneho” masiglang sabi ni Wilo.
“ ‘Wag po” pagmamakaawa ng puting kuneho.
“Waaahhhh!” laking takot ni Wilo ng marinig na nagsasalita ang isang kuneho.
“ Maawa po kayo. Tulungan nyo po ako” sabi ng puting kuneho.
“Ikaw ba talaga ang nagsasalita? O guni-guni ko lamang ito? litong sabi ni Wilo.
“Oo, ako talaga ang nagsasalita. Tulungan mo ako” sagot ng puting kuneho.
“Paano naman kita matutulungan?” tanong ni Wilo.
“Gamutin mo ang sugat ko at ibibigay ko sayo ang lahat ng gusto mo” kumbinsi ng puting kuneho.
“Talaga ba?” sagot ni Wilo.
“Oo, ibibigay ko sayo ang lahat ng hiling mo.”
“Sige! Tutulungan kita.” masayang sabi ni Wilo.
Kumuha si Wilo ng dahon ng bayabas, kanya itong dinukduk at ipinuga sa may sugat na paa ng puting kuneho. At agad naman gumaling ang sugat. Tila matalinghaga, ang nasa isip ni Wilo.
“Maraming salamat kaibigan” pasasalamat ng putting Kuneho kay Wilo. “Ngayon, ano ang iyong kahilingan?”
“Gusto ko ng magandang bahay upang hindi na kami titira sa maliit naming bahay kubo at masasarap na pagkain araw-araw” eksayted na sabi ni Wilo.
“Ang iyong hiling aking tutuparin. Umuwi kana sa inyo at meyron na kayo nito.” Sagot ng puting kuneho.
Eksayted na eksayted si Wilo na umuwi sa kanila upang makita kung totoo nga ang sinabi ng puting kuneho.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita nyang nawala ang kanilang bahay kubo at magandang malaking bahay na ang nakatayo ngayon sa harapan nya.
Pumasok agad si Wilo sa Malaki at magandang bahay at niyakap nya ang kanyang ina na gulat na gulat sa mga pangyayari. Ipinaliwanag ni Wilo sa kanyang ina ang mga pangyayari. Nag-alala man ang kanyang ina, ngunit masaya na rin ito para sa kanila.
Masayang masaya ang mag-ina. Nakatira na sila ngayon sa maganda at malaking bahay na dati ay bahay kubo at may masasarap pa na mga pagkain. Hindi na rin nila pinoproblema ang kanilang pagkain araw-araw.
Ngunit pagdaan ng ilang araw, napag-isipan ni Wilo na gusto pa nya ng mas malaking bahay. Gusto nya ng isang mansyon na may mga utusan sya ng hindi na sila gagawa ng gawaing bahay pa ng kanyang ina. Bumalik sya sa kanyang kaibigang puting kuneho. HIniling nya ang kanyang gusto nito.
“Ang iyong hiling aking tutuparin. Umuwi kana sa inyo at meyron na kayo nito.” Sagot ng puting kuneho.
Gayunman, pag-uwi ni Wilos a kanilang bahay ay nanlaki ang kanyang mata sa nakita nyang mansyon.
“Anak, ano ang nangyayari? Bakit naging masyon ang ating bahay?” nagtakang tanong ng kanyang ina.
“Inay, dapat hindi tayo makontento sa malaking bahay lamang. Kaya , hiniling ko na sa kaibigan kong kuneho na bigyan tayo ng mansyon. At hindi na rin tayo gagawa pa ng mga gawain dito, dahil may mga utusan tayo”. Tawang-tawa na sabi ni Wilo sa kanyang ina.
“Anak, hinay hinay laman sa iyong kahilingan. Hindi yan mabuti” anya ng kanyang ina.
Hindi na pinakinggan ni Wilo ang kanyang ina.
Nagpakasaya si Wilo sa kalagayan nila ngayon. Ngunit, pagdating ng ilang araw naisip na naman nya na gusto nyang maging isang hari. Gusto nya magkaroon ng isang palasyo. Kaya bumalik na naman sya sa kanyang kaibigang putting kuneho. Hiniling nya ang gusto nya sa kuneho.
“Ang iyong hiling aking tutuparin. Umuwi kana sa inyo at meyron na kayo nito.” Sagot ng puting kuneho.
Isang magarang palasyo ang nakita ni Wilo at sya ang hari. Palagi syang pinagsabihan ng kanyang ina sa kanyang mga hiling, ngunit hindi nya pinakinggan ito.
Nagpapakasarap si Wilo sa kanyang buhay bilang isang hari.
Pagdating ng gabi, habang nakahiga si Wilo sa kangyang malaking kama nag-iisip sya kung anu na naman ang kanyang hilingan sa kanyang kaibigang puting kuneho. Nag-iisip sya ng nag-iisip hanggat hindi na nya namalayan na umaga na pala. Sumikat na ang araw.
“Kay bilis namang sumikat ng araw. Nakakainis, hindi pa ako nakatulog” reklamo ni Wilo.
Bumalik sya sa kanyang kaibigang puting kuneho.
“Gusto kong maging makapangyarihan. Gusto kong ako ang mag-uutos sa araw at buwan kung kailan sila sisikat at lulubog” Utos ni Wilos a kaibigan.
“Ang iyong hiling aking tutuparin. Umuwi kana sa inyo at meyron na kayo nito.” Sagot ng puting kuneho.
Gayunman ay natupad ang hiling ni Wilo. Sya ay nakatira na ngayon sa himapapawid sa ibabaw ng mga ulap na sya lang mag-isa at hindi kasama ang kanyang ina. Masayang masaya si Wilo na natupad ang kanyang hiling. Paglipas ng isang araw
“inay? Inay?” tawag nya sa kanyang ina. Ngunit hindi na sya marinig ngayon ng kanyang ina dahil nasa himpapawid na sya. Nakaramdam siya ng kalungkutan at pangungulila dahil mag-isa lang sya doon at hindi nya kasama ang kanyang mahal na ina.
Lungkot na lungkot na si Wilo. Iyak sya ng iyak sa nangyayari. Doon nya napagtanto na mali sya. Mali sya na hindi sya nakontento sa kung ano ang kanyang hinihiling. Doon nya napagtanto na mali sya dahil hind isa nakinig sa kanyang ina. Ngayon namomroblema na sya dahil paano sya makabalik sa kaibigan nyang puting kuneho gayong nasa taas sya ng mga ulap. Nagsisisi ng sobra si Wilo. Nagdasal sya sa Panginoon at humungi ng kapatawaran sa kanyang nagawa.
Tumunog ang kidlat at tila uulan. May mga ulap syang nakikita na pababa sa lupa. Sumakay si Wilo nito ngunit ang ulap ay unti-unting naging ulan kung kayat bumagsak si Wilo sa tubig at inanod sya. Nagising si Wilo na inanod na sya ng tubig at sa kabutihang palad, napunta sya sa may sap ana malapit sa kanilang bahay. Binalikan nya ang kanyang kaibigang putting kuneho.
“Kaibigan, humihingi ako ng tawad sa aking kasakiman. Hindi ako naging makontento sa aking mga hiling. Gusto kong makita ang aking ina.” Umiiyak na sabi ni Wilo.
Gusto bumalik sa dati naming bahay kubo at makasama ang aking ina at makontento sa kung ano ang meron kami.
“Ang iyong hiling aking tutuparin. Umuwi kana sa inyo at meyron na kayo nito.” Sagot ng puting kuneho.
Bumalik si Wilos a kanilang bahay na bukal sa loob na tinanggap kung ano ang meyron sila.
Niyakap niya ang kanyang ina at humingi ng kapatawaran sa kanyang nagawa.
Ang mag-ina ay nabuhay ng masaya.
BUOD ng Kwentong “ Si Wilo na Hindi Nakontento”
Ang kwentong ito ay tungkol ni Wilo na nag-iisang anak ni Aling Marting. Sila ay mahirap lamang. Nagtitinda silang mag-ina ng basahan sa malapit na bayan upang matustusan ang kanilang pang-araw araw ng pangangailangan. Si Wilo ay palaging nag rereklamo sa kanilang kalagayan.
Isang araw nakakita sya ng isang kuneho na may sugat. Tinulungan nya itong magamot ang sugat nito sa paa. Bilang kapalit ng pagtulong nya sa puting kuneho, binigyan sya ng gantimpala na tutuparin ng puting kuneho kung ano man ang magiging hiling nya.
Gayunman ay himiling si Wilo na magkaroon sila ng malaking bahay na may maraming pagkain. Tinupad ito ng puting kuneho. Ngunit, hindi nakontento si Wilo at humiling pa ito ng mansyon . Tinupad ulit ng kuneho ang kanyang hiling. Hindi nakontento si Wilo sa kanyang mga hiling. Humiling sya ng palasyo at gawin syang hari. Nang naging hari na sya, hindi pa rin nakontento at gusto nyang maging makapangyarihan na sya ang magdidikta ng araw ta buwan kung kailan ito lulubog at sisikat. Dito na natauhan si Wilo sa kanyang mga hiling.
Nagsisisi sya at humingi sya ng tawad sa Panginoon. Nagkita sila muli ng puting kuneho at hiniling nya na ibalik ang dati nyang buhay.
Basahin ang iba pang aralin: Pang-ukol, Pang-angkop, Sanaysay, Maikling Kwento, Tagalog Pick Up Lines, Pangatnig, Bahagi ng Pananalita, Wika