Ng at Nang: Pagkakaiba, Paano at Kailan Ginagamit

Ng at Nang: Pagkakaiba, Paano at Kailan Ginagamit

Sa panahon ngayon, marami pa rin sa atin ang hindi alam kung paano gamitin ang “ng at nang”. May nalilito pa rin kaya nagagamit ang mga salitang ito sa maling paraan.

Kung gusto mong malaman kung ano ang pinagkakaiba ng “ng at nang”, basahin mo lang ang artikulong ito.

Dito malalaman mo kung kailan ginagamit ang “ng at nang”. Magbibigay rin kami ng mga halimbawa ng pangungusap tungkol sa wastong paggamit sa mga salitang ito.    

Pinagkaiba ng Ng at Nang at Wastong Paggamit Nito

Ginagamit ang “ng” kapag ang sinusundang salita nito ay isang pangngalan o panghalip. Ang “nang” naman ay ginagamit bilang katumbas ng mga salitang “noon” at “upang”.

Ginagamit din ang “ng” kapag sinusundan ito ng pang-uri, pang-uring pamilang, sa paglalahad ng pagmamay-ari at pananda sa gumagawa ng aksyon.

Ang “nang” naman ay ginagamit din na pantukoy sa paraan at sukat, pang-angkop sa pandiwang inuulit at pamalit sa pinagsamang mga salitang “na” at “ng”, “na” at “ang” at “na” at “na”.

Basahin ang mga sumusunod upang malaman mo ang pagkakaiba ng “ng” at “nang” at ang mga wastong paggamit nito.

Wastong Paggamit ng Ng at Mga Halimbawa

1. Una, ginanagamit ang ng kapag sinusundan ito ng isang pangngalan o panghalip.

  • Nagsuot ng sapatos si Abby.
  • Sinunod niya ang utos ng Diyos.
  • Nahagip ng aking kamay ang bola.

2. Pangalawa, ginagamit din ang ng kapag ang sumusunod na salita ay isang pang-uri.

  • Kumakain ng malaking bayabas si Max.
  • Nakakuha ng mahabang isda si Imee.

3. Pangatlo, ang ng ay ginagamit din kapag ang sumusunod na salita ay pang-uring pamilang.

  • Ang lola ay bumili ng limang pandesal.
  • Kumuha si Gina ng sampung plato para sa mga bisita.

4. Pang-apat, ginanagamit ang ng upang magsaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.

  • Iningatan ni Marj ang suot niyang sapatos dahil sapatos ito ng kanyang ina.
  • Ang palad ng mga mahihirap ay karaniwang magaspang.

5. Panghuli, ginagamit ang ng bilang pananda sa tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. Ang ibig sabihin ng balintiyak ay kapag ang salitang tagaganap ng kilos o galaw ng pandiwa ay hindi ginanagamit sa simuno at ang nasabing tagaganap ay nasa hulihan ng pandiwa.

  • Tinulungan ng binata ang taong may kapansanan upang makatawid sa kalsada.
  • Binigay ng guru ang mga libro sa kayang mga estudyante.

Wastong Paggamit ng Nang at Mga Halimbawa

1. Una, ang nang ay inilalagay sa gitna ng salitang-ugat, mga pawatas, o mga pandiwang inuulit ng dalawahan.

Halimbawa:

  • dasal nang dasal (salitang-ugat)
  • matipid nang matipid (pawatas)
  • kumanta nang kumanta (pandiwa)

2. Pangawala, ginagamit ang nang kapag nagsasaad ng paraan, dahilan at oras ng kilos.  Ito ay sumusunod din sa mga pandiwa o mga pang-abay. Sumasagot rin ito sa mga tanong na paano, kailan at bakit.

Halimbawa:

  • Nagbabasa nang tahimik ang mga bata. (sumasagot sa tanong na paano)
  • Umuwi si Ronald nang biglang umulan. (sumasagot sa tanong na kailan)
  • Mag-aral ka na, nang makapasa ka sa pasulit bukas. (sumasagot sa tanong na bakit)

3. Pangatlo, ang nang ay ginagamit bilang kapalit ng pinagsamang “na at ang”, “na at ng”, o “na at na“.

Halimbawa:

  • Sukdulan nang kahirapan ito. (Sukdulan na ang kahirapang ito.)
  • Isinarado nang may-ari ang kanyang tindahan. (Isinarado na ng may-ari ang kanyang tindahan.)
  • Aralin mo nang hindi nagrereklamo. (Aralin mo na na hindi nagrereklamo.)

4. Pang-apat, ginagamit ang nang bilang kasingkahulugan ng mga salitang “noong” at “upang” o “para”

  • Nakatulog ako nang (noong) siya ay dumating.
  • Mag-aral ka mabuti nang (upang) makamit mo ang tagumpay.

Basahin ang iba pang mga aralin: Maikling Kwento, Pangatnig, Pandiwa, Panghalip, Pang-abay, Tagalog Pick Up Lines, Epiko, Bahagi ng Pananalita, Wika