Ano ang Pang-ukol, Pang-ukol in English at mga Halimbawa

Samahan niyo ako sa araw na ito at tatalakayin natin kung ano ang pang-ukol, paano ito ginagamit at ang mga iba’t ibang halimbawa nito.

Ang artikulong ito ay naglalaman ng iba’t ibang kaalaman na maari mong magamit sa iyong mga aralin, at proyekto na may kaugnay sa ting tatalakayin ngayon.

Ano ang Pang-ukol, Pang-ukol in English

Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip o pang-abay sa iba pang salita sa loob ng pangungusap. Ito rin ay bahagi ng pananalita na ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o lawak o sa pagmamarka sa iba’t ibang semantikong pagganap.

Sa wikang Ingles, ang mga pang-ukol na tinatawag na prepositions.

Halimbawa ng mga Pang-ukol

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga pang-ukol sa Filipino at Tagalog:

  • sa/ sa mga
  • kay
  • kina
  • nang may
  • hinggil sa
  • hinggil kay
  • laban sa
  • laban kay
  • mula sa
  • ng
  • ng mga
  • sa/ kay
  • tungkol sa
  • tungkol kay
  • nang wala
  • ayon sa
  • ayon kay
  • ni/nina
  • labag sa
  • alinsunod sa
  • alinsunod kay
  • para sa
  • para kay
  • tungo sa

Pangkat ng pang-ukol

May dalawang pangkat ang mga pang-ukol.

  1. Ginagamit na pangngalang pambalana: ukol sa, laban sa, hinggil sa, laban sa, ayon sa, tungkol sa, para sa
  2. Ginagamit sa ngalan ng Tanging Tao ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang ngalan ng tao, tulad ng ukol kay,

Halimbawa ng mga Pang-ukol sa Pangungusap

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pang-ukol na ginagamit sa pangungusap.

  • Ang gantimpalang pera ay ukol kay Juan.
  • Para kay Pedro ang snack na ito.
  • Hinggil kay Mark ang kanilang problema.
  • Ang kaniyang nilutong lechong manok ay para sa lahat.
  • Ayon kay Jose Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
  • Ang paksa ng pag-aaral ay tungkol sa sakit na COVID-19.
  • Kay Ana iniabot ang mga pagkain.
  • Ang mga damit at sapatos ay para sa mga mag-aaral na iskolar ng foundation.
  • Pumasok ka sa iyong silid aralan.
  • Kailangan lagging maghugas ng kamay ayon kay Dr. Clark.
  • Nagdala si Nash ng sari-saring prutas mula sa probinsiya.
  • Para kina Juan at Pedro ang mga pagkain sa mesa.
  • Ang usapan ng mga doctor ay tungkol sa sakit na COVID-19.
  • Ayon kay Dr. Jose Rizal ang hindi marunong lumingon sa pinangagalingan ay hindi makakarating sa paruruunan.
  • Ang mga tulong pagkain ay iniabot kina nanay at tatay.
  • Bibili tayo ng mga gulay at prutas.
  • Magbakasyon tayo sa Africa.
  • Ang tsinelas ng bata ay naiwan nang siya ay tumakbo.
  • Hinabol ng mga bata ang pusa.
  • Ang hawak niyang lapis ay kay Juan.
  • Pupunta kami kina Aling Nena mamaya.
  • Isinama nina ate si bunso.
  • Bumili siya ng pagkain para sa ama niya.
  • Ang balita raw tungkol kay Gary ay totoo.

Basahin ang iba pang aralin: Pang-ukol, Pang-angkop, Sanaysay, Maikling Kwento, Tagalog Pick Up Lines, Pangatnig, Bahagi ng Pananalita, Replektibong Sanaysay, Wika